Eto ay isang magaang kasanayan lamang sa pagsusulat..
Well, wala naman akong ginagawa ngayong mga araw na patapos na ang sembreak. Sa Nov.14 pa ang pasok ko. Which means mga 1 buwan ng pasok tapos Xmas break na!!! wahoooo!!! di na ako makapaghintay para sa susunod na bakasyon!!! ^_^
Bakit ba ganito yung pangalan ng blog? eh kasi 2 na ang japanese anime na kinaaaliwan ko. May kapartner na yung Naruto ko. Isang dvd ng complete Full Metal Alchemist. Nung una noong pinapalabas pa sya sa GMA di ko nagustuhan kasi di ko naumpisahan. Tama nga yung hinala ko maganda sya pag naumpisahan mo!!! haha!!! at ang ganda pa nung oav nya. Kaya bibili ako ng Full Metal Alchemist the Movie kasi andun yung ending talaga nung series. Hahaha!!!
Pupunta raw Divi ang nanay ko bago mag pasko kaya balak kong sumama upang bumili ng mga shorts na panlakad at tsinelas at mga dvd.
Eto pa ang mga anime na balak kong mabili sa Divi:
- complete Hunter x Hunter
- Chrono Crusade
- Yakitate Japan!
- pinakarecent na ep. ng Naruto (syempre di mawawala yan)
ayan nakakawili kasi silang panoorin. Bakit ba puro GMA tong mga anime na to? hahaha!!! kasi nga we are anime sila... hahahaha!!!
sana naman maisipan na ng mga gumagawa ng tv series ng Naruto na ituloy na yung kwento sa tv. nakakainis na kasing maghintay. hahahaha!!!
Di ko pa napapanood yung Monk tv series na pinahiram sa akin ng beshie ko. Pero natapos ko na yung mga libro ni Mareng Agatha Christie (3 days) at Pareng Paulo Coelho (2 days). Astig si Agatha Christie magsulat ng mystery novels. Complete at flawless ang execution. Kaya pala sya nagustuhan ni beshie ko. At ngayon si Hercule Poirot na ang paborito kong detective.
Si Neil Gaiman naman ang susunod kong titirahin. Matalino magsulat si Neil Gaiman. Nakabasa na ako ng Sandman (salamat ulit sa beshie ko) at natuwa ako sa kanya. Sa kanya ko natutunan yung myopic reflex e. (tanong nyo na lang sa mga batang taga nursing o med)
Ayan lang. Masarap pa rin magbasketbol. Masaya na rin magtext maganda na keypad ng cell ko e.
hahaha!!!
err sa mga gusto ng ringtone ng naruto o full metal, pakisabi lang sa akin send ko sa mga email nyo. hahahaha!!!
gusto ko nang matutong magdrowing ng transmutation circle.. matagal na akong marunong mag seals e. ^_^
No comments:
Post a Comment