kagabi ko pa gustong magblog. tinamad lang ako kakanood ng nba at kasi kating-kati na ako maglaro. hehehe. adik na uli ako sa dungeon siege 2. tapusin ko muna yun bago ko i download yung expansion pack. hehe parang low res na granado espada lang, although limited lang yung classes. tsaka natutuwa ako kasi kada palit ng equips nakikita sa character. parang diablo. hehehe..
kamakailan sabi ng girlfriend ko (nakanang may girlfriend na! haha), nationalistic daw ako. hahaha.. di ko alam kung bakit, pero sang-ayon naman ako sa sinasabi nya. mas may pakialam na ako ngayon sa nangyayari di tulad nung hayskul ako na parang tanga lang. haha.. gusto ko rin na lumabas na ang totoo. gusto ko rin na magkaroon ng kontribusyon patungo sa makabuluhang pagbabago. at gusto kong maging doktor upang magpagaling ng tao at siguruhin na ang lahat ng pasyenteng dadaan sa akin ay may mataas na antas ng kalusugan.
bakit ba ako naging ganito? siguro dahil na rin sa kurso ko at sa pinapasukan kong pamantasan. malaki rin pala ang dulot ng academic freedom sa isang mag-aaral. nagagawa kong makipagsapalaran at makakuha ng ibang ideya mula sa iba't ibang mga katauhan. marami na akong natutunan, pero sabi nga ng isa kong propesor, napakarami pang pwedeng matutunan sa mundo. kaya ngayon nasa yugto ako ng pagpapalawak ng aking mga interes. tambay tambay na sa lib, hanap ng librong pwedeng basahin. nahihilig na ako ngayon sa linguistics at kay Jung. pero di pa ako nakakahanap ng free time tumambay sa lib. siguro next year.
napansin kong tagalog na ang madalas na gamit ko tuwing magbblog. dulot na rin siguro to ng pagiging patriotiko ko. di pa naman nawawala ang kakayahan kong magsulat sa ingles (patunay ay ang 1.0 na nakuha ko sa aking paper na ipinost ko rito kamakailan) at wala akong balak iwala yun. siguro depende na lang sa aking mood ngayon kung anong lenggwahe ang mas pinipili kong gamitin upang ihayag ang damdamin ko. kaya eto tagalog na ulit. hehehe..
so ayan, malapit na pala ang practicum namin. masayang karanasan to. sana maging maayos ang lahat.
aba! nakakatatlong post na pala ako. hehe, kaya nga blog roll pangalan nitong post na to e. :P
No comments:
Post a Comment