medyo may sakit ako ngayon e. napasobra ang singhot ko ng alikabok kaya ayun nagkasinusitis ako.
sakit sa ulo. hehe tulo pa ng tulo yung mga bagay sa ilong ko. kailangan ko na rin pala magpahinga. pero update muna.
nga pala, salamat kay me-ann para sa cap na bigay nya. ang ganda talaga ng cap. nag abala ka pa talaga no? hahaha! salamat ulit! :)
tatlong bagay lang ang pagtutuunan ko ng pansin dito.
1. freedom wall ng UP
- aminado akong isa ako sa mga tumutuligsa sa freedom wall ukol sa mga nakasulat/likha na napapaloob dito. at dahil dito ay samu't saring mga reaksyon ang nakuha ko, kesyo raw karapatan naman daw nila ang iensayo ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag.
medyo napaisip ako, siguro nga ganun iyon, pero may mali talaga sa ginagawa nila. hindi ko malaman kung ano ito, hanggang sa isang araw nakita ko sa akda ng isang librong nabasa ko ang mga salitang ito..
"freedom is only a negative aspect of a whole phenomenon whose positive aspect is RESPONSIBILITY. Freedom degenerates into an arbitrary agent once it is lived beyond the lines of responsibility. As with the United States of America, I propose a Statue of Responsibility as a counterpart of the Statue of Liberty."
sa wakas. ngayon medyo alam ko na ang kulang sa freedom wall natin. ito ay ang responsibilidad. responsable bang paggamit ng kalayaan sa paghahayag ang paghahanap ng textmate sa pamamagitan ng pagsulat ng numero ng iyong cellphone sa freedom wall? gamitin naman natin sa wasto at responsableng paraan ang ating kalayaan mga taong nagsusulat sa freedom wall. wag nating hayaang bumaba ang grado ng responsibilidad at kalayaan sa ating pamantasan.
2. jun lozada
- pareho kami nung pamangkin ni ruthy. masakit na ang ulo ko ke jun lozada. wala man syang pakialam ukol sa kanyang "celebrity" status ay tila sinasamba sya ng mga taong sumusuporta sa kanya.
tama lang siguro na sabihing isa sya sa may hawak ng susi upang malaman ang buong pangyayari. tama lang siguro na mag-ikot sya sa mga paaralan upang ipaliwanag ng husto ang tanong at haka-haka na namuo sa mga kaisipan ng taumbayan ngayon.
pero, sa sympo na tinampukan ni lozada na aking nadaluhan ay napansin kong tinatanong sya ng mga tao roon kung ano ang dapat bang gawin ng taumbayan, kung ano ba ang dapat gawin para umunlad ang Pilipinas at kung ano ba ang dapat gawin upang lumabas ang katotohanan.
hindi ko lang alam ah, pero parang mali yata kayo ng taong tinatanungan.
siguro may punto ang kasama ko nung sinabi nyang gusto lang marinig ng tao ang pananaw ni lozada tungkol sa mga ganoong bagay, pero dapat sigurong alalahanin natin na naging prominente lamang si lozada sa kanyang paghahayag ukol sa mga anomalya sa ZTE broadband deal. hindi po sya isinugo ng Diyos para sabihin sa atin ang dapat gawin upang umunlad ang Pilipinas.
nagtataka lang ako, bakit nga ba tayo may National Broadband deal samantalang hindi naman 1:1 ang ratio ng tao sa computer dito sa ating bansa? hindi naman lahat ng tao ay may access sa mga teknolohiyang ito. mas abala pa sila sa pag iisip kung paano maitatawid ang kanilang pamilya mula sa gutom sa araw-araw na pamumuhay. anlabo nga naman o.
3. campus politics
- sa buong buhay ko sa UP, ngayong 3rd Yr lang ako nakialam sa napakagandang mundo ng pulitika sa pamantasan. dahil nalalapit na ang eleksyon sa UP, narito at nagkalat na naman ang mga kandidato.
ang aking reaksyon sa karamihan sa kanila ay:
"wow, tatakbo pala tong taong ito. ano kaya ang plataporma nya?"
karamihan sa mga poster nila ay hindi naglalaman ng kahit ano bukod sa kanilang pangalan, partidong kinabibilangan at posisyong tatakbuhan. nitong linggong to lang nagkaroon ng mga "kakaunting pagpapahiwatig ng kanilang plataporma" na nakalagay sa kanilang mga posters. (na nagkataon namang huling linggo na ngayon ng kampanya dahil march 7 na ang eleksyon)
kakulangan ba to sa RTR nila? siguro kailangan ko nang puntahan yung miting de avance ng CAS para naman may ideya pa ako kung anong pakulo meron ang mga kandidato ngayong taon.
kanya-kanyang raket. kanya-kanyang papansin. kanya-kanyang pauso. kanya-kanyang pabango. kanya-kanyang sabuyan ng baho. dirty tactics. election protests. di pa kasama dyan ang mababang voter turnout sa pamantasan (na sa aking palagay ay nasa 45-50% lamang.)
ok to a. pareho lang din halos ang pulitika sa national level at sa campus level. sayang, kala ko medyo iba pagdating sa campus level eh. hindi rin pala. ay, siguro ang pagkakaiba lang dito, di masyadong malaki yung perang nadadamay. pero may pera pa rin. bale magkapareho pa rin sila. ay ano ba talaga?! naguguluhan na ako.
No comments:
Post a Comment