Friday, March 28, 2008

?!

ilan sa mga bagay na aking napansin nitong mga nakaraang araw:

1. meron tayong rice shortage. oo tama rice shortage. sa isang bansang agrikultural tulad natin. nakakatawa. at naglalaan ang ating gobyerno ngayon ng P60 billion para sa bigas!! aangkatin ito mula pa sa vietnam kung saan ang mga dalubhasa ay dumayo pa sa Pilipinas upang mag-aral ukol sa advanced farming and argicultural methods. nakakahiya!

2. meron din palang mga hardcore na tibak na patron din ng Starbucks at Mcdonalds. ok na yung nagsusuot sila ng havaianas eh, pero maging patron ng Mcdo at Starbs? baka hindi kasama sa pinaglalaban nila yung komersyalisasyon ng pagkain. masyado yata silang busy ipaglaban yung pagtaas ng tuition. pero di mo rin naman masisisi yung mga yon, nagugutom din naman sila tulad natin. split level activism ba ito?

3. nakakatuwang ginawa ang Saligang Batas na naglalaman ng kolektibong kagustuhan ng taumbayan, pero may sapat na "leg room" pa rin ito upang mailiko at maabuso ng mga taong nasa kapangyarihan. (tulad ng isang unano dyan sa Malakanyang)

4. may kakayahan din palang mag-number 1 ang mga kanta ni erik santos at kung sinu-sino pang mga dating kalahok ng mga singing contest sa MTV. (pagbaba ng quality standard? haha)



sa kabuuan, masasabi kong bumababa na ang estado ng lipunan dito sa ating bayan. marami pang magagawa. simulan na natin ngayon.

No comments: