Saturday, March 22, 2008

hindi ko alam ang ipapamagat ko rito

nagbblog ako ngayon. maraming dahilan kung bakit, well, bukod sa hindi ako nakakain ng tokwa ngayong semana santa (hehe :P) e dahil ginawa namin ang taunang "visita iglesia" namin.

kala ko noon 14 dapat na simbahan ang dapat mong puntahan. pero pito lang pala dapat. ayon ito sa pitong katedral na nasa landas papuntang Roma noong Middle-Ages. kasi bawat taong nagnanais magpanata e dadaan muna sa pitong simbahan at magninilay sa harapan ng "blessed sacrament" ng simbahan. hindi pala yung Stations of the Cross yung bida. hehe.. pero dahil napapaloob na ito sa kulturang Pilipino ngayon, sikat na ang 14 na Istasyon ng Krus ni Hesukristo.

masarap ang bisita iglesia dahil para amin, ito ay part nature-trip at part religious activity. at ito rin ang isang araw sa buong taon na ako ay nakakabalik sa aking dating high school. kasi yun ay pinapatakbo ng mga pari, kaya may bisita iglesia rin sila sa chapel kung saan apat na taon din kaming nakilahok sa mga pangrelihiyosong gawain.

marami akong nagunita noong panahong iyon na nagbibisita kami. malaki na rin pala ang pinagbago ko simula noong nagtapos ako sa mataas na paaralan. naisip kong nakakatuwa sigurong magkita kami ng aking sarili noong mga panahon ng high school. ano kaya mapapag-usapan namin? parang tanga lang siguro yun na kausap ko ang sarili ko. pero sa tingin ko, kung nagkausap kami, marami akong ipapayo sa kanya. para matuwid yung mga kalokohan ko sa buhay. para maayos nya yung pag-aaral nya ng 3rd yr dahil dun pala nakasalalay yung UP application ko. haha sana nasa mabilis na daan ako tungo sa medisina. kaso mukhang hindi ganun ang gusto ng tadhana para sa akin. hindi ko naman sinisisi yun, dahil totoo namang marami akong natutunan, nakilala at nakita sa kakaibang daan na binigay sa akin ng tadhana.

kahit ano pa man ang mangyari, pagkatapos ng lahat ay magiging doktor pa rin ako na produkto ng Pamantasan ng Pilipinas-Kolehiyo ng Medisina. haha.

sa kabuuan ng bisita iglesia, nakapagnilay ako sa mga ginawa ko noong mga panahong iyon, mga dalawang taon na halos ang nakakaraan. alam siguro ng iba ang tinutukoy ko. iyon nga yun. hehehe. mahirap pala ang makalimot. mahirap din ang gawin ang lahat ng iyong makakaya na sa bandang huli ay mauuwi rin sa wala. mahirap mapaniwalaan na nangyari ang lahat ng iyon, dumating at nawala, nang hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit kailangan mangyari yun.

sabi ko nga, hanggang ngayon naiisip ko pa rin kung para saan ang karanasang iyon. hindi ko pa rin yata nakukuha ang aral nun.

maraming salita.
maraming luha.
maraming oras.

sadyang napakalaki na pala ng naipundar ko sa relasyon naming dalawa. pero ang konti pa lang naman ng panahong lumipas. apat na taon pa lang. o lima? hindi ko na rin alam.

kaarawan ngayon ng taong mahal ko. pagkakataon upang mapakita ko kung gaano sya kahalaga sa akin.


pagkakataon para masabi kong napakasaya ng buhay na andyan sya.
(biglang kambyo ang pinagsasabi ko ngayon no? ganun talaga.)

No comments: