Monday, January 12, 2009

new entry!

2009 na pala. di pa rin ako nag-update simula nung huling post ko.
palibasa masaya kasi yung huling post ko. ngayon masaya pa rin ako.

nabilhan ko na ng keyboard yung bagong pc ko. at PC ko na talaga sya. may sari-sarili nang mga computer at laptop ang mga tao rito sa bahay. at kakatapos ko lang magnetwork ng mga computer dito kaya wala na sanang aabala sa akin kung magpapaprint. hehehe!

ayun, at nasimulan ko na rin mag data gathering para sa thesis ko. talagang pinili ko lang yung barangay namin kasi ayoko nang lumayo.

sarap pala magtype rito sa bagong keyboard na binili ko. hehehe! medyo mas maliit nga lang sya kesa run sa luma pero ok lang. next na bibilhin ko ay dvd-writer naman. i already have a model in mind. kailangan na lang ng pambili. hehehe!

malapit na yung NMAT result ilabas! hay! sana makuha ko yung pinakaasam-asam kong score. :)

so there, ok naman ang buhay. dvd-writer na lang at RAM masaya na ako sa pc. tapos ok pa naman yung mga resulta ng mga exam ko. matataas naman. hehehe! salamat po sa maganda at mabiyayang buhay Lord! sana maging matagumpay din ang 2009 ko. :D

post number 150 na pala to! ibig sabihin ba nito ang konti ko lang magpost? hehehe..

No comments: