Wednesday na pala. 2 weeks na simula ng magpalit ang taon. blog ulit ng walang kwenta para masabi kong may ginagawa ako rito sa pc.
pinagbawalan ko kasi ang sarili ko na maglaro pag weekdays. sa sabado at linggo na ulit. hehehe.. pag weekdays at pasukan, kailangan gumawa ng thesis at case study. mahirap na ang magahol sa oras.
pero sa ngayon, mag-aaral muna ako para sa exam. sarap talaga magtype rito sa bagong keyboard ko. nag-eenjoy akong maige sa bagong pc. hehehe! sakto talagang may bago na akong kaakibat sa paggawa at pagtapos (dapat lang) ng aking mga gawaing pampamantasan.
nakapag-gupit na ako ng kuko. sa wakas, dahil medyo 1 week na akong di nakakapaggupit ng kuko. bilis nila kasing humaba eh. hehehe..
anlamig. dulot ito ng climate change. siguro mas malala sa ibang bansa ngayon. dito sa amin nahihirapan ang mga tao sa lamig. pero welcome naman ito kahit papano, kaso mahirap din dahil di nila alam na may sakit ang planeta natin. tayo-tayo rin naman ang mahihirapan pagdating ng araw. DAPAT ay may gawin na tayo para pigilan to.
bad trip yung site ng DepEd. walang kwenta, mag eemail na dapat ako biglang down yung directory nila. hmpf.
in lighter news, naglaro ako ng bbol kanina. kahit talo kami ok lang, maganda naman ang naging laro ko. masarap sa pakiramdam. tagal ko ring di nakalaro e. :)
so yun muna. bukas ulit!
No comments:
Post a Comment