Friday, March 28, 2008

blog roll

kagabi ko pa gustong magblog. tinamad lang ako kakanood ng nba at kasi kating-kati na ako maglaro. hehehe. adik na uli ako sa dungeon siege 2. tapusin ko muna yun bago ko i download yung expansion pack. hehe parang low res na granado espada lang, although limited lang yung classes. tsaka natutuwa ako kasi kada palit ng equips nakikita sa character. parang diablo. hehehe..

kamakailan sabi ng girlfriend ko (nakanang may girlfriend na! haha), nationalistic daw ako. hahaha.. di ko alam kung bakit, pero sang-ayon naman ako sa sinasabi nya. mas may pakialam na ako ngayon sa nangyayari di tulad nung hayskul ako na parang tanga lang. haha.. gusto ko rin na lumabas na ang totoo. gusto ko rin na magkaroon ng kontribusyon patungo sa makabuluhang pagbabago. at gusto kong maging doktor upang magpagaling ng tao at siguruhin na ang lahat ng pasyenteng dadaan sa akin ay may mataas na antas ng kalusugan.

bakit ba ako naging ganito? siguro dahil na rin sa kurso ko at sa pinapasukan kong pamantasan. malaki rin pala ang dulot ng academic freedom sa isang mag-aaral. nagagawa kong makipagsapalaran at makakuha ng ibang ideya mula sa iba't ibang mga katauhan. marami na akong natutunan, pero sabi nga ng isa kong propesor, napakarami pang pwedeng matutunan sa mundo. kaya ngayon nasa yugto ako ng pagpapalawak ng aking mga interes. tambay tambay na sa lib, hanap ng librong pwedeng basahin. nahihilig na ako ngayon sa linguistics at kay Jung. pero di pa ako nakakahanap ng free time tumambay sa lib. siguro next year.

napansin kong tagalog na ang madalas na gamit ko tuwing magbblog. dulot na rin siguro to ng pagiging patriotiko ko. di pa naman nawawala ang kakayahan kong magsulat sa ingles (patunay ay ang 1.0 na nakuha ko sa aking paper na ipinost ko rito kamakailan) at wala akong balak iwala yun. siguro depende na lang sa aking mood ngayon kung anong lenggwahe ang mas pinipili kong gamitin upang ihayag ang damdamin ko. kaya eto tagalog na ulit. hehehe..

so ayan, malapit na pala ang practicum namin. masayang karanasan to. sana maging maayos ang lahat.


aba! nakakatatlong post na pala ako. hehe, kaya nga blog roll pangalan nitong post na to e. :P

something to ponder upon

Of all the ideas that became the United States, there's a line here that's at the heart of all the others. "But when a long train of abuses and usurpations, pursuing invariably the same object evinces a design to reduce them under absolute Despotism, it is their right, it is their duty, to throw off such Government, and provide new Guards for their future security."

- Ben Gates (National Treasure)

?!

ilan sa mga bagay na aking napansin nitong mga nakaraang araw:

1. meron tayong rice shortage. oo tama rice shortage. sa isang bansang agrikultural tulad natin. nakakatawa. at naglalaan ang ating gobyerno ngayon ng P60 billion para sa bigas!! aangkatin ito mula pa sa vietnam kung saan ang mga dalubhasa ay dumayo pa sa Pilipinas upang mag-aral ukol sa advanced farming and argicultural methods. nakakahiya!

2. meron din palang mga hardcore na tibak na patron din ng Starbucks at Mcdonalds. ok na yung nagsusuot sila ng havaianas eh, pero maging patron ng Mcdo at Starbs? baka hindi kasama sa pinaglalaban nila yung komersyalisasyon ng pagkain. masyado yata silang busy ipaglaban yung pagtaas ng tuition. pero di mo rin naman masisisi yung mga yon, nagugutom din naman sila tulad natin. split level activism ba ito?

3. nakakatuwang ginawa ang Saligang Batas na naglalaman ng kolektibong kagustuhan ng taumbayan, pero may sapat na "leg room" pa rin ito upang mailiko at maabuso ng mga taong nasa kapangyarihan. (tulad ng isang unano dyan sa Malakanyang)

4. may kakayahan din palang mag-number 1 ang mga kanta ni erik santos at kung sinu-sino pang mga dating kalahok ng mga singing contest sa MTV. (pagbaba ng quality standard? haha)



sa kabuuan, masasabi kong bumababa na ang estado ng lipunan dito sa ating bayan. marami pang magagawa. simulan na natin ngayon.

Saturday, March 22, 2008

hindi ko alam ang ipapamagat ko rito

nagbblog ako ngayon. maraming dahilan kung bakit, well, bukod sa hindi ako nakakain ng tokwa ngayong semana santa (hehe :P) e dahil ginawa namin ang taunang "visita iglesia" namin.

kala ko noon 14 dapat na simbahan ang dapat mong puntahan. pero pito lang pala dapat. ayon ito sa pitong katedral na nasa landas papuntang Roma noong Middle-Ages. kasi bawat taong nagnanais magpanata e dadaan muna sa pitong simbahan at magninilay sa harapan ng "blessed sacrament" ng simbahan. hindi pala yung Stations of the Cross yung bida. hehe.. pero dahil napapaloob na ito sa kulturang Pilipino ngayon, sikat na ang 14 na Istasyon ng Krus ni Hesukristo.

masarap ang bisita iglesia dahil para amin, ito ay part nature-trip at part religious activity. at ito rin ang isang araw sa buong taon na ako ay nakakabalik sa aking dating high school. kasi yun ay pinapatakbo ng mga pari, kaya may bisita iglesia rin sila sa chapel kung saan apat na taon din kaming nakilahok sa mga pangrelihiyosong gawain.

marami akong nagunita noong panahong iyon na nagbibisita kami. malaki na rin pala ang pinagbago ko simula noong nagtapos ako sa mataas na paaralan. naisip kong nakakatuwa sigurong magkita kami ng aking sarili noong mga panahon ng high school. ano kaya mapapag-usapan namin? parang tanga lang siguro yun na kausap ko ang sarili ko. pero sa tingin ko, kung nagkausap kami, marami akong ipapayo sa kanya. para matuwid yung mga kalokohan ko sa buhay. para maayos nya yung pag-aaral nya ng 3rd yr dahil dun pala nakasalalay yung UP application ko. haha sana nasa mabilis na daan ako tungo sa medisina. kaso mukhang hindi ganun ang gusto ng tadhana para sa akin. hindi ko naman sinisisi yun, dahil totoo namang marami akong natutunan, nakilala at nakita sa kakaibang daan na binigay sa akin ng tadhana.

kahit ano pa man ang mangyari, pagkatapos ng lahat ay magiging doktor pa rin ako na produkto ng Pamantasan ng Pilipinas-Kolehiyo ng Medisina. haha.

sa kabuuan ng bisita iglesia, nakapagnilay ako sa mga ginawa ko noong mga panahong iyon, mga dalawang taon na halos ang nakakaraan. alam siguro ng iba ang tinutukoy ko. iyon nga yun. hehehe. mahirap pala ang makalimot. mahirap din ang gawin ang lahat ng iyong makakaya na sa bandang huli ay mauuwi rin sa wala. mahirap mapaniwalaan na nangyari ang lahat ng iyon, dumating at nawala, nang hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit kailangan mangyari yun.

sabi ko nga, hanggang ngayon naiisip ko pa rin kung para saan ang karanasang iyon. hindi ko pa rin yata nakukuha ang aral nun.

maraming salita.
maraming luha.
maraming oras.

sadyang napakalaki na pala ng naipundar ko sa relasyon naming dalawa. pero ang konti pa lang naman ng panahong lumipas. apat na taon pa lang. o lima? hindi ko na rin alam.

kaarawan ngayon ng taong mahal ko. pagkakataon upang mapakita ko kung gaano sya kahalaga sa akin.


pagkakataon para masabi kong napakasaya ng buhay na andyan sya.
(biglang kambyo ang pinagsasabi ko ngayon no? ganun talaga.)

Saturday, March 15, 2008

weirdo sila

had a great day today. me-ann and I went mall hopping, sale kasi. nakabili ako ng bagong denim jeans. wala na kasi akong jeans e, 3 pares lang meron ako tapos hirap pa magrotate ng damit. hehe ayoko magslacks andali kasi marumihan. i liked the pair that i brought, soft yung tela sarap nung fit sa binti. plus its just 400 pesos. i hated bench for having overly priced jeans, thank goodness for sales.

kaya sabi ko sa sarili ko, tuwing sale lang ako bibili ng pantalon. kasi sa bench lang ako nabili. (may naligaw na human na jeans kasi nga ang mamahal ng bench.)

many people do not know that I only stick to certain brands. really, tignan nyo yung mga damit ko at mga gamit sa bahay. hehe.. brand conscious ako. i even collect their tags (something that i don't do anymore due to lack of space to put them in)

bakit nga ba? di naman sa nagpapakasosy ako. sabi nga sa klase namin bentahe ng brand name ang panagutan ang kalidad ng kanilang binebentang produkto . if a brand establishes itself as a high quality brand (i.e. nike) then we can say that every other item associated or made under this brand can be expected to be of high class production. that's what's up with brands. i look for quality in what i use, plus i'm too lazy to memorize my sizes on different brands and it's too tedious to fit every single item i'm going to buy. saves me the hassle finding the right size for myself. i can just go in their store, and when i see something that may be worth buying, i just ask my size. no need to make tedious fittings.

so there, a little bit of trivia for people who don't know me yet manage to find my blog.

back to what i was supposed to type, i find some things about people which are weird.
things like:
- going inside the mall when the sign clearly reads EXIT
- going through the male line when they are actually females (not gays mind you)

these two things i often observe of people going to malls. are they stupid? or are they just itching to go inside the mall that they disregard the dignity that they have and embarrass themselves in front of people?

siguro kasi sale kaya nagmamadali. pero kakaiba pa rin. antatanda pa naman nila. at marami sila. wala man lang nakahalata na mali yung lugar na pinapasukan nila.

yun lang. hehe. may cable tv na kami. oye oye. :)

blog muna

rambol rambol siguro tong post na to. hehehe.. anyway, kakatapos lang ng pag gawa ko ng mga bagay. bale ang natitira na lang siguro ay:
- hum2 na exam ko
- results ng exam kay doc ed. na magdidikta kung babalik pa ba ako ng skul pagkatapos ng holy week.
- curriculum vitae (hindi talaga nauubos ang gawain kay sir john)

ayan na lang siguro. looking forward to my vacation. kahit maikli lang yun, tas practicum na. ok lang. at least eventful ang summer ngayon. kaso di ako makakanood ng NBA playoffs. asar naman yun. hahaha..

grabe talaga ang mundo ng pulitika. sa dami ng taong involved na gustong makakuha ng pwesto sa konseho, ayun andaming pinag gagawa. ay nako, sakit ng ulo.

answerte pala talaga ni GMA. ayaw talaga syang matanggal sa MalacaƱang. ipa assassinate na lang kasi yan. tas DCG na. hahaha!!!

ayun lang. para naman maupdate yung blog ko para sa mga taong dumadaan dito sa aking site.

p.s.
sa sinumang may alam kung san makakakuha ng kopya ng And1 mixtape tour (kahit anong volume), mangyari lamang na kontakin ako. hehe. :)

Wednesday, March 05, 2008

three things

medyo may sakit ako ngayon e. napasobra ang singhot ko ng alikabok kaya ayun nagkasinusitis ako.
sakit sa ulo. hehe tulo pa ng tulo yung mga bagay sa ilong ko. kailangan ko na rin pala magpahinga. pero update muna.

nga pala, salamat kay me-ann para sa cap na bigay nya. ang ganda talaga ng cap. nag abala ka pa talaga no? hahaha! salamat ulit! :)

tatlong bagay lang ang pagtutuunan ko ng pansin dito.

1. freedom wall ng UP
- aminado akong isa ako sa mga tumutuligsa sa freedom wall ukol sa mga nakasulat/likha na napapaloob dito. at dahil dito ay samu't saring mga reaksyon ang nakuha ko, kesyo raw karapatan naman daw nila ang iensayo ang kanilang kalayaan sa pagpapahayag.

medyo napaisip ako, siguro nga ganun iyon, pero may mali talaga sa ginagawa nila. hindi ko malaman kung ano ito, hanggang sa isang araw nakita ko sa akda ng isang librong nabasa ko ang mga salitang ito..

"freedom is only a negative aspect of a whole phenomenon whose positive aspect is RESPONSIBILITY. Freedom degenerates into an arbitrary agent once it is lived beyond the lines of responsibility. As with the United States of America, I propose a Statue of Responsibility as a counterpart of the Statue of Liberty."

sa wakas. ngayon medyo alam ko na ang kulang sa freedom wall natin. ito ay ang responsibilidad. responsable bang paggamit ng kalayaan sa paghahayag ang paghahanap ng textmate sa pamamagitan ng pagsulat ng numero ng iyong cellphone sa freedom wall? gamitin naman natin sa wasto at responsableng paraan ang ating kalayaan mga taong nagsusulat sa freedom wall. wag nating hayaang bumaba ang grado ng responsibilidad at kalayaan sa ating pamantasan.

2. jun lozada
- pareho kami nung pamangkin ni ruthy. masakit na ang ulo ko ke jun lozada. wala man syang pakialam ukol sa kanyang "celebrity" status ay tila sinasamba sya ng mga taong sumusuporta sa kanya.

tama lang siguro na sabihing isa sya sa may hawak ng susi upang malaman ang buong pangyayari. tama lang siguro na mag-ikot sya sa mga paaralan upang ipaliwanag ng husto ang tanong at haka-haka na namuo sa mga kaisipan ng taumbayan ngayon.

pero, sa sympo na tinampukan ni lozada na aking nadaluhan ay napansin kong tinatanong sya ng mga tao roon kung ano ang dapat bang gawin ng taumbayan, kung ano ba ang dapat gawin para umunlad ang Pilipinas at kung ano ba ang dapat gawin upang lumabas ang katotohanan.

hindi ko lang alam ah, pero parang mali yata kayo ng taong tinatanungan.

siguro may punto ang kasama ko nung sinabi nyang gusto lang marinig ng tao ang pananaw ni lozada tungkol sa mga ganoong bagay, pero dapat sigurong alalahanin natin na naging prominente lamang si lozada sa kanyang paghahayag ukol sa mga anomalya sa ZTE broadband deal. hindi po sya isinugo ng Diyos para sabihin sa atin ang dapat gawin upang umunlad ang Pilipinas.

nagtataka lang ako, bakit nga ba tayo may National Broadband deal samantalang hindi naman 1:1 ang ratio ng tao sa computer dito sa ating bansa? hindi naman lahat ng tao ay may access sa mga teknolohiyang ito. mas abala pa sila sa pag iisip kung paano maitatawid ang kanilang pamilya mula sa gutom sa araw-araw na pamumuhay. anlabo nga naman o.

3. campus politics
- sa buong buhay ko sa UP, ngayong 3rd Yr lang ako nakialam sa napakagandang mundo ng pulitika sa pamantasan. dahil nalalapit na ang eleksyon sa UP, narito at nagkalat na naman ang mga kandidato.
ang aking reaksyon sa karamihan sa kanila ay:
"wow, tatakbo pala tong taong ito. ano kaya ang plataporma nya?"

karamihan sa mga poster nila ay hindi naglalaman ng kahit ano bukod sa kanilang pangalan, partidong kinabibilangan at posisyong tatakbuhan. nitong linggong to lang nagkaroon ng mga "kakaunting pagpapahiwatig ng kanilang plataporma" na nakalagay sa kanilang mga posters. (na nagkataon namang huling linggo na ngayon ng kampanya dahil march 7 na ang eleksyon)

kakulangan ba to sa RTR nila? siguro kailangan ko nang puntahan yung miting de avance ng CAS para naman may ideya pa ako kung anong pakulo meron ang mga kandidato ngayong taon.

kanya-kanyang raket. kanya-kanyang papansin. kanya-kanyang pauso. kanya-kanyang pabango. kanya-kanyang sabuyan ng baho. dirty tactics. election protests. di pa kasama dyan ang mababang voter turnout sa pamantasan (na sa aking palagay ay nasa 45-50% lamang.)

ok to a. pareho lang din halos ang pulitika sa national level at sa campus level. sayang, kala ko medyo iba pagdating sa campus level eh. hindi rin pala. ay, siguro ang pagkakaiba lang dito, di masyadong malaki yung perang nadadamay. pero may pera pa rin. bale magkapareho pa rin sila. ay ano ba talaga?! naguguluhan na ako.