Saturday, September 30, 2006

Bagyooooooooooooooooooo!

ermmmm, ayan tapos na ang dalaw ni Milenyo sa Pinas... Papunta na siguro syang China.... Pero wait, may kasunod pa.. Si NENE!!! weeeee!!! oh nene!!!! amf!!!!

anyway, marami akong natutunan sa 2 araw na walang kuryente sa amin... Learning experience to ika nga nila.

TARSDAY: ang araw ng bagyo
- well, mga 11am daw dadaan si Milenyo sa Cavite, kaya kami hold your breath ang drama... Ako nga e naiisip pa yung sinasabi ni Beckham sa Adidas ad nya, "The typical calm before the storm." , well eto storm talaga...
- bago pa man mag-11, anlakas na ng hangin... Did someone turn on the wind tunnel? hahahaha!!!
- at nagsimula ang buong palabas.. Nature's wrath na to... ayun dinurog lahat ng bahay kubo sa amin pwera lang yung kina Miko (tigas ng bahay kubo nyo tsong!) at pinatumba yung puno sa basketball court....
- natapos ang part 1 (kasi sabi nila may part 2, totoo nga!) may break si Milenyo, sapat na oras para linisin yung tapat ng bahay kasi puro sya dahon at buuin ang tropa... Nakapaglaro pa nga kami ng basketball e...
- at dumating si part 2, tama ulit ang aming kapitbahay, mas malupit si part 2... Tumba lahat ng punong mangga sa amin..... dumating din si papa pero wala ako sa bahay kundi nasa kabila at pinanonood ang bagyo.. front row seats kami ng tropa...
- katakot yung bagyo, parang may bumabahing ng bumabahing ng malakas.. hahaha!!! nakakabuo rin sya ng mga little tornadoes na nakakatulong upang wasakin ang buong kapaligiran....
- natapos ang bagyo, wala na yung kuryente simula 10:30 ng umaga... basic survival kami ng pamilya.. sardinas at kanin lang!!! yahooo!!!!!
- maaga akong natulog dahil sa kabagutan.. hahaha!!!

PRAYDAY: da aftermath
5 things to do pag national blackout:
a. maglaro habang sumisikat ang araw, pag umuulan na, e di maligo sa ulan!
b. maggitara o matutong tumugtog ng isang musical instrument
c. makipagbonding with the tropa or with your brothers and sisters
d. linisin ang harapan ng bahay nyo lalo na kung kadaraan lang ng bagyo
e. lumaboy sa kung saan-saan at makichismis

ayan, sa sobrang kabagutan ko ay bukod pa riyan ang aking nagawa.. Kunwari pikturan ang sarili.. (kung saan pinagtawanan ako ng kalaro ko sa basketbol)

naglakad kami nina Ryan at Christian sa Toll Bridge upang bumili ng strings ng gitara.. Putol na kasi yung kay Ryan e. Masayang maglakad kung may kasama ka... hehehehe!!!

Mga alas-9 na nung nagkailaw sa amin at nung time na yun tinawagan ko ang bestfriend ko.. Na nabasagan ng bintana at di naligo ng 2 araw. YAK!!!! hahahaha!!!!

wow cool din pala ang bagyo... Marami kang mapupulot na aral! Hahahaha!!! Peace!!

No comments: