aba mantakin ninyo december 16 na, pero hindi pa rin malamig...
pansin na pansin na natin kung gaano kainit, gawa ito ng global warming. ayaw kasing seryosohin ng mga tao ang pag-agap sa polusyon, ayan hala sige painitin na natin ang buong mundo!
aantayin na lang ba nating sing-init na ng summer ang disyembre natin sa mga susunod na taon bago tayo kumilos? ayusin nga natin mga buhay natin pwede? ang kahit anong gawain na makakatulong sa kalikasan ay malaking bagay na. paano na yung mga susunod na mga bata? lalaki na lang ba silang sanay na sa mainit na disyembre? o di kaya ang mainit na buong taon?
di naman ako aktibista para sa kalikasan e. pero para sa mga taong me kapangyarihan dyan, gumawa naman kayo ng paraan. di yung kayo lang ang may karapatang magpalamig!
hmmm ok yun ah. pwede nang speech para sa isang rally. mag-aktibista na kaya ako? hahaha!!!
apat na araw na lang. apat na araw at december 20 na. at malamang sa malamang pupunta ako sa pamantasan ng santo tomas para makita at iabot ang munting regalo kong pampasko para sa aking pinakamatalik na kaibigan. hala, di ko nga alam kung magkaibigan pa rin kami e. basta alam ko ayaw nya akong kausapin nung nagkita kami nung septyembre. ang galing.
ang hirap bumili ng regalo. andaming iisipin. pero hinayaan ko na lang. nabili ko na e. its the thought that counts ika nga nila. ang inaalala ko lang baka meron na sya nung ireregalo ko. cross my fingers sana wala pa.
hanggang ngayon di pa rin kami nag-uusap. di ako makapaniwalang ganun sya kaabala sa mga ginagawa nya. daig pa nya si darna. asus...
nakakainis pakiwari ko binura na nya ang lahat ng ano mang alaala nya na may pagpapatungkol sa akin. wala namang namagitan sa amin (wahaha talaga lang ah!) kaya di ko alam kung bakit di kami magkaabutan...
lagi na lang walang load, lagi na lang may ginagawa. lagi na lang alanganing oras. lagi na lang bawal. ganun ba talaga kasaklap ang timing ko sa tuwing susubukan kong kontakin sya? tama lang sa kanya yung diligence award na nakuha nya nung graduation namin. bakit ba sya nasa uste e pwede naman sya sa up. bakit ako wala namang award pero sa up nakapasok? baligtad yata..
ansaya mamili kasama ng beshie ko. (kahit na ang binili lang naman nya para sa kanya. hahaha!!) bibilhan nya ako ng transformers!! yahoo!! sya pa ang mauunang magbigay nun sa akin. akala ko noon si %&*^ e.. pero wala malas lang talaga.
ansaya nung araw kahapon. may concert na libre at nakanood kami ng beshie ko, kain kami ng kain ng kain at laboy ng laboy. salamat sa araw na yun beshie ko! hehehe sana nag-enjoy ka rin! ^_^
di ako bitter, pero naisip ko, di pa nga ngayon ang tamang oras para ibigay sa kanya yung dream catcher na pinangako ko noon... dun ako nangako sa taong mahal ako.. di sa kanya.. hahahaha!! ambitter amp...
hindi ako naniniwala sa mga summer flings? kayo? ^_^
No comments:
Post a Comment