well, after a very grueling sem, SEM BREAK NAAAAAAAA!!!!
erm, technically, sembreak na ako.. pero... hmmm.. still have 1 (or 2) final exams and a documentation to make... hopefully they breeze by fast... i don't want to prolong my suffering anymore! damnit!
well, I'd like to call this entry a recap since it will chronicle a lot of what transpired during the 1st semester of my sophomore college year. but hey, its really just a collection of random thoughts and mumblings not arranged in any order whatsoever.. haha!!!
so.. here it goes:
- note to self: DO NOT EVER, EVER FORGET/LOSE YOUR MEDICAL CERTIFICATE... OR MISPLACE ANY PAPERS OF ENROLMENT FOR THAT MATTER....
- enrollment in my dear school usually takes a week for 2nd year studes.. even more for some..
- sabi ng mga dean-wannabes (candidates for dean) namin, dati raw 15 minutes lang ang BUONG ENROLLMENT DATI.. WOOOOOOOOOOOOOOOOOOH! ULUL!!!!
- nagkabitak na yung block namin.. yung iba pariwara na sa pagiging tibak.. (ehem, mara? ehem..)
- nabawasan ang RTR (room-to-room) ng mga orgs namin
- ang dami daming concerts, kaso yung iba nacancel... kasi masama yung panahon
- eto ang sem na pinakamadalas akong nagkasakit.. wow
- dumami ang typologies ng mga prof sa amin (human sleeping pill, the absentee, the random, the sadist, the weirdo and many more!)
- dumami yung mga taong nakilala ko sa UP.. either thru friends, orgs ng tropa, panchichicks, gitara, etc...
- di ako kumain ng mixed rice buong sem....
- gumaling ako ng onti sa basketbol.. onti lang... dami pang kailangang ayusin....
- nabawasan ng malaking porsyento ang aking "paglalaboy"
- kumonti yung mga symposia na napuntahan ko
- nawili ako sa paggamit ng composition notebook (yung may artista na cover) kaya for my whole college life, gagamit na lang ako ng composition o kaya writing notebook!
- paborito ko nang bolpen ang Titus.. tsaka Pilot.. wag lang ibabagsak
- unti-unting nawawala ang hilig ko sa sumbrero....
- eto ang pinakamaraming araw na nagcutting classes ako (1 month mahigit!)
- ang dami nga palang nagsidebut sa mga kaklase ko dati... pero parang walang nagbabago sa kanila...
- naranasan ko ang maging "bitter" ng halos buong sem (medyo.. di naman halata.. haha!)
- nagsisimula na akong mangulekta ng mga quotable quotes sa kung saan-saan
- nangitim ako ng husto dahil sa swimming! weeee!
- muntik na akong kunin sa frat, buti di ako kinulit
- ngayong sem ang pinakamaraming beses na napikturan ko ang sarili ko.. pero hindi ibig sabihin nitong banidoso na ako. no way...
- pinakawalang kwenta ang 18th bday ko.. buset
- naging isa akong walang kwenta, irresponsable at gagong bestfriend
- nawalan ako ng tiwala sa aking sarili
- nagsasawa na ulit akong maging malungkot
- nagsasawa na ako sa buhay na single
- nagsasawa na akong iniiwan nya palagi...
- hindi na ako nakapunta ng QC masyado
- hindi ko na nakakasabay palagi ang beshie ko :(
- mahirap palang ayusin ang schedule ng klase, lalo na pag underloaded ka! kasi late reg ang abot mo!!! waa!
- gagu mga prof gumawa ng final exams..... Lalo na pag taga DSS!
- ngayong sem ang pinakamarami akong pera.. ngunit may mga pagkakataong muntik na akong di makauwi dahil sa kawalan ng pamasahe
- ngayong sem ko namaster ang maggitara.. ay hinde summer ko pala nagawa yun.. erase
- ngayong sem hindi naging masyadong babaero si Imman (kasi umuwi yung gf nya galing Canada)
- ngayong sem hindi pumapasok sa klase si Mark.. RAN mode!
- ngayong sem lagi na lang akong bangag o wala sa sarili
- ngayong sem tumama ang pinakamalakas na bagyo sa loob ng 6 na taon
- namayat ako ngayong sem.. hindi ko magets kung paano nangyari yun...
- ngayong sem magkaaway na naman kami.. or di nya ako pinapansin.. parang 4th year
- actually, parang 4th year din pala tong sem na to...
- nakapagbasa ako ng 6 na libro (na hindi academically required) ngayong sem na to
- naisip kong si Carl Gustav Jung ang paborito kong pilosopo, si Robert Ludlum at Tom Clancy ang paborito kong manunulat, si Masashi Kishimoto ang paborito kong tagagawa ng manga, si Hideo Kojima at Tetsuya Nomura ang pinakamalupet gumawa ng laro
- sa sem na to nawili ako sa pagbili ng DVD at pagpunta sa Divisoria
- sa sem na to wala akong nilaro kundi Tropico at NBA Live 06
- nagtataka ako kung bakit maraming tao ang pumapasok sa exit ng mga mall... hindi ko alam kung may katok sila o tamad magbasa
- ngayong sem na to nagpapakita na sya sa mga panaginip ko...
- naging isang emotional rollercoaster ang sem na to.. complete with peaks and waves and loop the loops.....
- ngayong sem nakanood ako ng 2 ballets, mga 5 or 8 movies at isang rockestra kasama ang aking beshie.. (hallo! miss na kita! :D)
- ngayong sem nagtayo ako ng blog.. habang "siya" naman nagkaroon ng multiply at isang bagong friendster account, may myspace pa!! walanju! meron pa yata syang account sa isang dating website... YATA lang ah... hula lang..
- ngayong sem naisipan kong gumamit ng colgate whitening toothpaste. effective sya. promise.
- pinakamaraming beses akong kumain sa kfc at sa greenwich
- pinakamaraming beses akong bumili ng pasalubong
-
ayan. yun lang mga naaalala ko e. hahaha!!!!
ge, tama na muna yung sobrang seryoso. sabi nga ng valedictorian namin e, RELAK LANG. hahaha!!!
well, actually di ko kayang magRELAK... pasensya na tsongs...
No comments:
Post a Comment