Tuesday, August 26, 2008

ahhhh

nakaraos din sa presentation at midterm sa thesis!!! hahaha!!!

at sulit naman ang 1.0 para sa presentation. antayin ko na lang yung midterm ko.. hahaha!!!

ayos! :D

Saturday, August 23, 2008

wowowowow

having only about 2 days of classes should enable me to somehow have a sort of rest week.
but that was certainly not the case.

grabe eto na yata pinakanakakapagod kong linggo pagkatapos ng practicum conference!!
and still andami dami dami pang gagawin!!

kaya eto nagpapahinga na ako nitong sabado. nakanood na nga ako ng dalawang palabas na na-dl ko lang sa net.

up next: code monkeys. hahaha this should be nice. :D

p.s.
pramis magsshoot na ako BUKAS. hehehe!

Wednesday, August 20, 2008

20th of August

3 great things when there are suddenly no classes:
a. you get to not spend anything since you don't leave
b. you get an accidental break from school and a chance to do some requirements that may be rushed
c. you can just bum around for one day (something that is really cool when you are stressed from school 24/7)

but sadly, me not going to school means not being able to be with my friends. and my girlfriend.

i miss you girl..

confused

i was just wondering..

would you call your friend's boss, "boss", even though you're not working in his or her company?
would call somebody "president" or "chairman" when you are not directly affiliated nor even a member of the organization he/she currently lead?

call it OC. call it non-conformity, or even conformity in a sense. call it anything else. but hey, aren't we supposed to respect each other by referring to someone using their proper names?

so ok, everybody else calls him/her by that moniker. but haven't these people figured out that "everybody else" pertains to the actual members of the organization the he/she currently leads? then, when someone asks them to join the organization since they call him/her by this certain name, they refuse!!!

it's confusing, really. how come people bestow upon themselves the right to call someone "boss" or "chairman" if they are in fact, not actually a member of that organization and even refuse to join them??

forgive me but i believe that certain perks like calling someone "boss" are reserved for those who allot their time to really join an organization! come on, you don't call someone your "boss" unless you are employed under him or her right?

my golly, it's so confusing!

Sunday, August 17, 2008

Sayang


Isang upuan sa loob ng isang pamantasan. Para sa karamihan, ito ay napapawalang-bahala lamang. Ngunit para sa iba, ito ay isang palatandaan na may kalalagyan sila sa loob ng silid aralan.

Isipin natin, nararapat ba tayong maupo sa lugar na kinalalagyan natin ngayon? Atin bang naisasaisip at naisasapuso ang mga leksyon na matiyagang itinuturo sa atin ng mga propesor na mas maliit pa ang sweldo kesa sa isang security guard? Oo nga, lumiliban sila sa ating mga klase kung minsan dahil sa mga kalamidad tulad ng baha, trapik o kung ano pa man, pero dahil ba sa nakakaligtaan nila ang kanilang tungkulin bilang guro ay dapat na rin nating kaligtaan ang ating tungkulin bilang isang mag-aaral?

Nakakaligtaan na rin ng ating gobyerno ang kanyang tungkulin bilang isang institusyon na dapat sana ay nagbibigay sa atin ng dekalidad at murang edukasyon na maaaring makamit ng sinumang makakapasa sa mga panukatang inilatag nito. Ngunit ano ang tugon natin dito? Wala. OO, meron siguro. meron siguro pagkatapos ng quiz, ng assignment, ng mga rekisitos na binigay ni mam at ser, ng thesis, ng paper, ng recitation, pagkatapos magpahinga, kumain, magsaya, at kung ano pa man. Sayang lamang at nauwi rin sa gitna ng libro at papel ang katalinuhang inaantay sana ng bayan mong nagpaaral sa yo na gamitin para sa ikabubuti nya. ngunit sino ba ako upang pangaralan ka?

Sa mga kumikilos at ipinaglalaban ang karapatan ng ating mga kababayan, wag ninyo sanang kalimutang nag-aaral din kayo. walang makikinig sa inyo kung lahat kayo ay nasa labas ng pamantasan. sayang ang pagkakataon upang lalong matuto. OO, totoo na ang bayan at ang realidad ng buhay ay isang magandang tagapagturo, ngunit ang mga taong mismong sa pamantasan nag-aaral ay hindi nakikinig sapagkat ang respeto ay nawawala. pano nga ba makukuha ang respeto? mag-aral kayo. kunin nyo ang lugar na kinatatayuan ng isang upuan sa loob ng silid. makinig. magmatiyag. makiisa. kung tulong-tulong lang sana tayong lahat ay mas madaling makakamit ang sinasabing tagumpay.

Isang pagpupugay sa mga kabataang nag-aaral pa rin hanggang ngayon. sila na ginamit ng mahusay at mabuti ang kanilang mga upuan. sila na hindi lumiban sa klase, bagamat may isa o higit pang trabaho. sila na kahit sangkatutak na sideline na ay hindi pa rin lumiliban sa klase upang makapagturo. sila na hindi umalis sa pamantasan upang habulin ang pera sa ibang mga pamantasang lutang. sila na hindi dapat nag-aaral, ngunit ginawan pa rin ng paraan, at nagtagumpay. sa mga hindi pinalad na makapasok sa pamantasan, ngunit nagpursige pa rin at nakapag-aral, at ginamit ang natutunan para sa ikauunlad ng sarili at ng bayan, saludo ako sa inyong lahat.

ang litratong ito ay isang imahe. imahe ng isang mag-aaral na sana ay nakapasok, ngunit hindi nagawang makuha ang pagkakataong ito. imahe ng bawat mag-aaral na pinagbawalang pumasok sa pamantasan dahil walang maipambayad.

kung nakakapag-aral pa rin kayo ngayon, saludo ako sa inyo..

ang isang upuan sa loob ng isang silid-aralan ng isang pamantasang hirang. pamantasang tahanan ng giting at tapang. nawa ay maging salamin ito para sa ating lahat na nagawang maupo sa upuang ito. tanungin na natin ang ating mga sarili.

ANO NA NGA BA ANG NAGAWA KO SA PAG-AARAL KO?

Friday, August 15, 2008

change

i tried changing my blog skin to that of an xml template. but i found it too tedious to do, and i can't find any good xml skins out there.

so, back to my original skin. haha!!

looks like change is tough. :D

blog muna bago matulog

somewhere between Osborne and Gaebler's Reinventing Government and Michael Tan's articles lie three books.

Zoology.
Botany.
Biology.

welcome to medicine pare. hahaha!!

5-inch books
mitochondria
anaphases
telophases
glycocoats
and so much more!!!!

THIS IS THE LIFE! :D

(i have to sleep unless i decide not to since it would be only a few hours before i start dressing up for school.)

Wednesday, August 13, 2008

tired. again.

so much to do. period!

seriously, today's week staggers me with a lot of things to do. papers, papers and more papers. somehow the sound of eating paper entices me. basically everyone who teaches me wants to see me write a whole lot. i like to write, but come on, writing this much can be dangerous!

i haven't been this dumped on work since... since today! my gulay, this marks the first time that i will be experiencing this. if this were just EASY, then i'd probably say BRING IT ON MOTHERF&^*%ER!

but the problem is, its so god dang hard!!!
a lot of work won't be a problem if it were easy. then again, who said life was easy?

buti na lang may Folded and Hung. haha. :D

Sunday, August 10, 2008

daming gagawin

daming gagawin. pero tinatamad akong gumawa. hahaha! grabe nakakatamad. yet, kailangang gumawa dahil para sa GWA ko yun, na mahalaga sa aking pagpasok sa UP Med. hehehe!!

mamaya siguro magsisimula na ako.

andami kong gustong mabili ngayon. mag-iipon ako ng mga dalawang libong piso para pagdating ng katapusan ng Agosto, mamimili kami ng girlfriend ko. sabi ko sa kanya magtipid muna kami. at magsshopping kami! hehe masaya to. di na ako makapaghintay.

ngunit! may isang balakid..

kanina sa aking paglibot sa SM dept. store, nakakita ako ng isang laruan. hindi lamang laruan, kundi isang Stealth Bumblebee Camaro Concept type! ngayon lang ako nakakita non. at isa pa, black and gold sya! (syeeeeet) medyo nawiwili kasi ako sa black and gold ngayon. yung mga balak kong bilhin actually, puro black and gold sila. hehehe!

sa pagtatapos ng Agosto, may tatlong bagay sa aking pag-aaral na dapat nagawa o ginagawa ko na. una, ang aking thesis proposal. haha kung wala non di ako makakapagtapos, at wasak ang pangarap ko nun. pangalawa, ang journal kay Simbulan. kailanman hindi ako nakakita ng ganito ka-challenging na prof sa tanang buhay ko bilang isang mag-aaral. pero keri naman. pangatlo, ang matapos ko ang bio book na pinahiram sa akin. para sa NMAT kasi yun e. hehehe.

sabi ko pa naman sa aking mga magulang, babayaran ko agad ang telepono ko. well, babayaran ko nga sya. hindi nga lang agad. hahaha! :D

bago ko tapusin ang post na to, isang mahalagang mensahe lamang para sa mga senior citizen ng Pilipinas:
(mula sa isang jeep sa Taft)
"Student/Senior Citizen, NO DISCOUNT on WEEKENDS"

bale, nawawala pala ang pagiging senior citizen ninyo tuwing sabado at linggo. hahaha astig!

Tuesday, August 05, 2008

2 years

on august 2, 2008, my little blog turned two years old.

ayos! haha!! belated happy birthday sa blog ko. :D