galing kami sa senado kanina. kasi kinapanayam namin si Senador Pia S. Cayetano ukol sa isyung e-waste.
eto mga nangyari:
- late si mark at nilibre nya kami ng pamasahe (taxi pa) papuntang GSIS kung saan nagtatrabaho ang mga senador
- di pumasok yung magaling kong titser kaya di rin kami nakapagpasa nung case study na pinagpuyatan ko. haha laking abala talaga.
- daming media at senador sa senate building (malamang)
- dami ring kupal. mga mayamang squatter. mga kakandidato sa eleksyon kaya pumunta sa senado para manghingi ng suporta sa isang senador.
halimbawa.
lalaki1: oi pare! long time no see! balita ko kakandidato ka raw sa barangay ninyo a.
lalaki2: oo nga pare. kaya nga ako andito e. hehehe!!!
tignan ninyo, ultimo mga taong kumakandidato sa mga mababang posisyon ay nag-aabala pang lumuwas ng maynila upang mamalimos. ang gastos ninyo. para kayong mga tao sa wowowee. napakahayok sa pera. tama yung kinaiinisan naming security sa sinabi niya.
"mga maliliit na buwaya lang naman yang mga yan eh."
- dumalo rin kami ng senate hearing. may mga bill na madaling napasa. at dun ko narealize na ang privilege speech pala ay maaring maging tungkol sa kahit saan. sa senado, pwede kang dumaldal ng tungkol sa kinain mong almusal kaninang umaga kahit na tungkol sa national budget ang agenda ng inyong meeting.
- sa wakas nakita ko na rin sa tunay na buhay ang pagwawala ni Miriam Defensor-Santiago. ayos.
- andun din si Rez Cortez. baka papanoorin nya si Kiko Pangilinan. o kaya sisigaw sya ng "NO TO MR. NOTED!" habang nagsasalita ang asawa ni Sharon.
- walang pumapansing taga -media kay Migs Zubiri sa Senado. hmmmm bakit kaya?
- nagresign na si Benjamin Abalos bilang Comelec Chairman
- may babaeng dumating na galit na galit na pinagmumura ang mga Aquino. malamang isa sya sa libu-libong sakada na nabiktima ng pangmomolestya ng mga may-ari ng lupa.
- MAY TWISTER FRIES NA ULIT ANG MCDO! :)
- at may bago na kaming crush. si Art Angel! woohoo!
yun lang. masaya mag-ikot sa senate building. at tama naman ang mga senador natin. may mga problema tayong sana ay tapos na kung maayos lamang ang pag implementa ng batas.
No comments:
Post a Comment